zhinesade's surreal world

everything about nothing

Thursday, June 10, 2004

Sana'y

(tula para sa mga dating minahal)

Sana'y hindi ka tuluyang naglaho
nang sinabi kong
"kailangan ko ng panahong
mag-isa "
para tuklasin ang bagong mundo ng kolehiyo

Sana'y hindi ka tuluyang nalulong sa kalungkutan
nang sinabi kong
"huwag muna, dahil ayaw ng
magulang mo"
na magkaroon ka ng kasintahang tulad ko.

Sana'y hindi mo tuluyang binaba ang telepono
nang sinabi kong
"kung gusto mo siya, kaya kong
hindi na tayo"
dahil mahal kita ngunit ang layo mo.

Sana'y hindi ka pumayag
nang sinabi kong
"sayang, tapos na, bakit kasi nagpunta
sa piling nya?"
kahit andito ako't minamahal ka.

sana'y nagpumiglas
sana'y nagpakabingi
sana'y naghintay
ng
isang munting
saglit

Baka sana'y nagbago
ang ihip ng hangin
at natulak muli ako
tungo
sa piling mo.