zhinesade's surreal world

everything about nothing

Monday, August 23, 2004

Ngayon

Hindi kahapon, hindi bukas, hindi kanina, hindi mamaya.
Ngayon.

Nalaman ko.
At hindi galing sa kanya.
Sa iba.
Parang sampal. Mas nakita, kaysa naramdaman.
('di naman pala ganun kasakit, pero may gulat
na nagdudulot ng luha)

Sa utak ko, kahit matagal nang di nagkakausap
malapit pa ring magkaibigan,
kahit 'di na magkasintahan
(dahil hindi ba't ganun pag malalim ang pinagdaanan?)

Mali pala.
Ako lang pala.

'Sensya na.
Akala ko
ang nabuong kahapon,
("alam mo, may mga bagay na kailangan mong pagdaanan")
hindi agad mabubuwag ng isang munting ngayong hagkan.

Tama naman, 'di ba?

Pero natutuwa ako para sa kanya.
Sa kanila.
Kahit malamang 'di sya maniwala.

O s'ya,
itatago na lang sa bulsa.
At tatawa.

Hindi kahapon, hindi bukas, hindi kanina, hindi mamaya.
Ngayon.