minsan, para ‘kong nakainom…
May mga araw, netong nakaraan, para bagang lasing akong naglalakad sa lupa. O baka ‘high’ ang mas matinong paglalarawan sa pakiramdam na yun (kahit hindi ko pa rin naman talaga alam ang pakiramdam ng ‘high’).
Yung tipong alam mo ang ginagawa mo, pero sa sandaling iyon, para ring wala kang hawak sa lahat ng nangyayari sa yo. Ganun ba? Alam mo yun. Na tipong paggising mo sa umaga, alam mo medyo nalugi ka kagabi, kasi yung ibang bagay, hindi na malinaw ang pagkakaalala mo. Yung iba naman, gusto mong idikdiksa pader ang ulo mo kasi feeling mo hindi mo dapat sinabi o ginawa.
Kaso. Eto e. ‘Di naman talaga ako lasing nun. ‘Di rin naman ako naka-drugs. Sobrang pagod lang talaga. Na tipong pagod na kung hahayaan ko lang ang sarili ko, pwede na kong lumagapak bigla na tulog sa kinauupuan ko. Kiber na sa kiber. Ika nga ‘Bloo-blah-bley’ na.
Pero eto naman kasing workaholic-slash-extrovert-slash-sosyalista girl inside me, ayaw magpatalo. Mukha tuloy akong may ‘split personality disorder’ kasi bigla na lang akong hihirit ng ‘Antok ko na, sobra’ o hihirit ng medyo malabo-labong-walang-konek-walang-sense hirit. Bloo-blah-bley nanaman. Hay. Tapos malalaman mo na lang na ang crush mo pala, na nakakausap mo lingo-linggo, na mukhang nagpapacute rin sayo, may asawa na pala. Powcha. Tapos maiisip mo, yung isa mo namang crush-crushan parang bading talaga, at yun din ang hinala ng kaibigan mong nagpakilala sa inyo (hindi ka naman sinet-up, nagkataon lang andun kayo pareho, kaya nagkakilanlan kayo). Gusto ko na ngang kumanta ng "You’ve got to laugh a little, cryyyyyyy a littlllllle, ‘til your pooooor hearttttt breaaaaks a littttuuuuhhhhlll…"
Hay. Antok lang ‘to. At pagod. At puyat. Leche, amin na nga yang Lipovitan. Tapos, beer na tayo.
P.S. The photo is what i've felt like the past couple o' weeks.
<< Home