Spokening Dollars
The first week I was back here from my vacation in Manila, I got so homesick....
Paumanhin sa iba, pero itatagalog ko na. Mas malutong e. (I apologize to the others, but I will write in Filipino because it sounds "crunchier", *hala, crunchier daw!* er... i mean, juicier haha).
'Di naman dahil sa gusto ko na umuwi (although gusto ko na rin, in a way...pero inuunahan ko sarili ko...teka). Kaya lang, nakakapagod mag-ingles ha! Susmaryosep ginuu, minsan talaga nauubusan na ko ng Ingles. Halimbawa na lang, gusto ko sabihin na 'feeling ko di mo naiintindihan yung nararamdaman ko'....nagiging 'i feel that you don't feel what i feel'. Nyak. Naiiba yung ibig sabihin, di ba. Sowsmeh! Buti na lang may class akong kinuha nung kolehiyo na 'Cross-Cultural Communication'. Nakatulong din naman kahit papano, para medyo maintindihan ko ang pinagsasasabi ng mga onak dito. Mantakin mong tawagin akong 'hoss' ng officemate ko. Shempre, nung una, kiber, as if alam ko ang ibig sabihin. Pagtapos siguro ng isang buwan, finally, inamin ko na rin sa kanya na di ko alam ano ibig sabihin nun. E hinanap ko na rin sa internet, e ni di ko alam anong tamang spelling, susme! 'Hos' ba or 'hoss' or 'hosse' or as in 'kabayo na prinonounce ng british english'!??! Ayan, suko din ako, tinanong ko kay seatmate Steve, shempre pasimple din ang tanong ng lola nyo, para di halatang boklog haha. Colloquial term pala sya. Parang 'bro' o sa 'Pinas naman e 'chong', 'pare', o 'sistaru'.
Pero nakakatawa rin minsan, kasi parang ang normal na nyang dumudulas sa bibig ko. Yung ingles ha, baka kung ano iniisip nyo dyan sus! Ayun, minsan 'pag inaalala ko kung ano yung pinag-usapan namin tungkol sa isang proyektong ginawa namin, ang naaalala ko sa utak ko, false memories na tagalog. Nakakatawa nga, kasi minsan tuloy, nangyayaring mas kaya kong ipaliwanag ang sarili ko sa ingles kesa Pilipino. Baka talaga lumiliit na ang bokabularyong sakop ng utak ko, kasi bihira na ang paggamit. Haaaay.
Tamo, tamo, pati yung 'haaaay', ang unang pumasok sa isip ko e yung salitang 'sigh'.
Que barbaridad, iba na itow! Ika nga ng kapatid ko, 'relasyon na itow'.
Minsan din tuloy, nung nasa Pinas ako, nag-order ako. Aba, di naintindihan ng barista ang order, kasi naman ako aanga-anga, lumabas ang American english accent, di tuloy ako nagets nung mama. Wawa naman. Muntik na ko matawa mag-isa dun.
Minsan nga, tong kasintahan (naks, kasintahan ka dyan, boypren lang yan ulul haha) ko, pag nagkakaroon kami ng di pagkakaintindihan, bigla ko na lang sinasabi 'Ay nako, bahala ka dyan sa buhay mo, mag-ingles ka dyan mag-isa mo'. Matatawa na lang yun at sasagot ng 'Makahakalakadakasaka'. Tawanan na lang kami. Kasi naman....Korek, sister. Ganyan ang dinig nila sa normal nating pagsasalita. Minsan naman, sinasabi ko 'Magtagalog ka nga!!!!!'...at alam mo ang sagot sa akin??! Korek! 'Makahakalakadakasaka'. Pero, in fairness ha, may alam din naman syang Filipino, kahit konti. Kaya minsan, imbis na yun ang sagot, sasabihin nya 'mabuti', o kaya naman 'salamat'. Hay naku. At least 'A' for A-ffort di ba.
Yun lang naman. Kaya nakakamiss angPilipinas. Hindi lang yung pagtatagalog, pero yung mga kakalokang bading at kolokyal na termino na gamit natin. Diba? Diba?
Kaloka talaga.
O sya, balik spokening dollars na.
Sigh.....
<< Home