Takutin ba ang Pinoy?
Me, the bf, the bf's roommate and his girlfriend had planned on going to Markoff's Haunted Forest in MD for around a month now. It was the scariest shayt that I have ever been in!
Ganito kasi ang strategy sa utak ko --- act brave and you will not fear. It worked for my skydiving. Apparently, though, it was no match for people dressed and acting as ghosts.
The forest is seriously a forest. A real one. As in, parang dingding na green na naghihiwalay sa forest at sa waiting area. Wala ka talaga makita sa loob from the outside, pero marami kang maririnig na sigaw ng mga pumapasok. Pala, in groups ang pasok. So lugi ka kung dalawa lang kayo ng boyfriend mo, for example.
Buti na lang apat kami. Ewan ko ba ano nangyari, pero nauna kami ni boypren, at sumunod ang kasama naming couple din. Shempre, kunwari quiet lang ako kasi di ako takot. Deep inside, namumuo na yung mga sigaw sa lalamunan ko. I was getting ready to belt out my blood-curdling screams. Kasi naman, yung mama sa entrance, may huddle effect pa bago kami papasukin. Sabi ba naman 'There is something or someone in there that is not part of our group. So please stay on the path. And don't take any invitations to run off it. If it provokes you, just scream and we'll try to get you as quick as we can. And to the men......if you get scared, just --- leave the women and run for your life!' O di ba, pa-epek. Nadala naman ako.
Pero, tol, iba talaga, kasi naglalakad ka sa loob, tapos gabi, so wala ka masyadong makita, tapos, andaming nakakabulag na ilaw. So madaming shadows. Susme. Pagpoasok pa lang namin sa entrance, makipot ang daan, as in isa-isa kayong dadaan dun, so nauna ang boypren sumunod ako. Paglabas shempre adjust ang paningin sa paligid, biglang BULAGA! Mumu na may tungkod na sumusunod. Sigaw na agad ako. Tapos tatakbo ka, susunod sa direksyon ng ilaw, isa pang mumu, tapos isa pa, tapos dalawa, one from each side, tapos you're dreading the next ones, pero wala kang magawa, kasi di ka naman pwedeng bumalik, dahil may lima ka nang nadaanang mumu, yung isa pa dun, gumagapang na parang aso at ayaw magpadaan, binatukan ko tuloy. Survival instinct ko na yun noh! So no way na dadaan ako ulet sa kanya. Baka kagatin ako nun, magkarabis pa ko, isip-isip ko lang.
Pero eto. May parang maliit na bahay na nakaharang sa daanan. Shyet. Potah. Ayoko dumaan sa loob. Walang ilaw, di ko makita ang kabilang side. Una ka na, boypren, sugod!!!!!!!!!! So dali-dali kaming apat, magkakadikit para walang maiwan. Paglabas sa kabilang side, paglingon ko, may naka-itim na nasa pagitan namin ng kasama ko. Susmaryosep. Napatili tulyo ako. 'Ay, Putaena,' sabi ko. 'Teka lang! Teka lang! Walang gulatang ganyan!! Time out, Time out,' sabi ko, with a matching right hand up, making the V-sign. As if naman alam nyang ganun ang time-out sa Pilipino. Hiningal na ko. Ngumiwi yung mama tuloy, sabay sabi 'I want her first'. Tanghena, ululllll, pakshyet. takboooooo! Shyet, di ko na talaga napigilan magtagalog kasi sunod-sunod na nun yung mga mumu. May white lady, may mamang kahoy, may taong grasa, may mala-I-know-what-you-did-last-summer costume, at kung anu-ano pa. At di lang lilitaw, susundan o sasabayan ka pa maglakad. At tuwing may manggugulat, mapapatagalog na ko sa takot.
Sabi ng roommate ni boypren, ' I don't know what's scarier, that they just jump out at ya, or that A**** starts speaking in tongues once they get close'. Ako? Nakakatakot? Mala-exorcist ba ang dating nyahahaha.
Yung girlpren naman nya, nakakatawa rin, kasi sya ang nasa huli, so pag hinahabol sya at hinihila yung likod ng shirt nya (ewan ko ba naman kasi baket naka-yellow vest, so parang reflector na kitang-kita yung suot nya ng lahat ng mga mumu), titigil sya, lilingon, at sasabihin, 'Hello. (pause) how are you?(pause)' na may sweet tone pa yung pagsabi. Kiber na lang yung mumu. Kunwari di sya kinakausap. Umuungol pa rin. Susmarya, nakakaloka.
Tapos, after ng 15 na mumu, naghahanap na ko ng mga padating na mumu, change in tactic, kumbaga. May isa na nakatago sa tabi ng bridge, sabi ko, 'there she is, she's right there'. Tuloy, lalong ako yung pinag-initan nung babae, so mega-tagalog na naman ako sa sigaw at gulat. Langya, langya, langya talaga!
Anyway, yun lang. Nakalabas naman kami ng maayos after around 20 minutes inside. Pero sooobra, sa dulo, pagod na ko, kahit tumili. Parang na-over-an sa adrenaline rush. A basta, punta pa rin kayo. Alangan ako lang makaexperience nun, at taga-tawa lang kayo. Ano, bale! Chaka pala, paki-sorry na lang ako dun sa nabatukan kong mumu (babae sya actually, so muma(?) ba ang tawag), chaka yung isa pa na naapakan ko paa. Pakisabi kasi naman, haharang-harang sya sa daan.
Lesson para sa english mumu: wag kasi kayong manakot ng pinoy, mag-tongues pa, mala-exorcist, lugi kayo, beh!
Happy Halloween!